Sunday, September 28, 2008

CONSPIRACY

Sensya na kung matagal akong hindi nakapag-post. May sinusulat kasi ko may balak akong salihan na writing contest. Tsaka naghahabol ako sa mga sinimulan kong libro pero hindi natapos so tinatapos ko lahat (w/c hindi ko pa rin magawa).

May nabasa ko tungkol sa pagiging freemason ni Rizal, incidentally nabasa ko rin yung From Hell at incidentally katatapos ko lang ng illuminati trilogy so in a way parang dikit dikit lahat ang librong ito, isama pa yung libro ni Seagrave na Gold Warriors tsong may conspiracy may ibang tao o entity o Organization ang totoong nagpapatakbo ng pilipinas kung akala mo na people power ang nag-alis kay marcos tingnan natin mabuti kung papano ba talaga napapatalsik ang isang tyrant, dahil kung people power lang bakit nung 86 lang nangyari at hindi earlier esp nung simula ng FQS...

Catalyst ba talaga ang pagkamatay ni ninoy... the filipinos are worth dying for sabi sa 500 but what exactly did he died for, nasa kanya ba talaga ANG sagot? o symbolic lang parang kaya kristo? may napanood kasi akong interview na alam niyang mamatay siya, sigurado siya eh, tanggap na niya, parang si rizal nung last hours niya tanggap din niya ni hindi siya takot... actually parang ganun din diba catalyst din halos yung pagkamatay ni rizal nung 1896-98 revolution...

Hmmm... sige basa pa ko at isulat ko dito ang mga palagay ko... basta hindi pa tapos ang subject na to..... (may theme ng x-files sa background...)

- j.p. abad