Wednesday, May 19, 2010

Ang Aking Pagbabalik...

Hmmm... isang taon na rin pala kong hindi nakapagsulat dito, tagal na no. ang dami nang nangyari, nag-eleksyon na, na hindi naman ako nakaboto dahil hindi ako rehistrado. nag bertdey na rin ako na sobrang uneventful o kasi hindi ko lang maalala kung anong nangyari. ang dami na ring mall ang nagbukas at tingin ko hindi pa rin significant ang dami ng librong nabasa ko halos 5 lang atang libro ang nabasa ko nung 2009 nakakahiya at hindi ako masyado nagsulat... shit.

so ngayon babaguhin ko na talaga mag post ako dito ng mga sobrang rough draft na short stories o script o tula o kahit na anong maisip ko, isasama ko rin yung mga notes para sa mga kwentong yun. i-type ko na yung isa tapos ko maya ok.

pwede nyo na rin akong i email sa pepeattagpi@gmail.com at inbox1680@gmail.com ok.

Ay oo gumawa pala ko ng DREAM JOURNAL kaso hindi na ko nanaginip bigla at konti lang naman din so post ko na rin siguro dito, baka may pattern na lumabas eh pakisabi na lang sa akin kung ano (gusto ko rin makita kung may interpretasyon bang mas malalalim ang mga panaginip).

so ayun

wednesday may 19, 2010

Thursday, June 18, 2009

HI

Ngayon lang ulit ako nakapag-post. sorry wala naman kasi atang nagbabasa so parang ok lang na hindi ako magsulat ng matagal pero ngayon ay gagawin ko nang frequent ang pagsusulat dito. Napansin ko lang na madami akong album na ni-rip ko sa iTunes so try ko nalang mag-review ng mga album o libro esp. nabasa ko kamakailan ang stargirl, at inulit ko for the upteenth time ang whirligig at the book thief so try ko rin mag-review ng books na tingin ko intresante... ok. kung may nagbabasa nitong blog na to at medyo intresado ay comment lang kayo sa msg na to at kung may reqest kayo try ko pagbigyan ok.

Sunday, September 28, 2008

CONSPIRACY

Sensya na kung matagal akong hindi nakapag-post. May sinusulat kasi ko may balak akong salihan na writing contest. Tsaka naghahabol ako sa mga sinimulan kong libro pero hindi natapos so tinatapos ko lahat (w/c hindi ko pa rin magawa).

May nabasa ko tungkol sa pagiging freemason ni Rizal, incidentally nabasa ko rin yung From Hell at incidentally katatapos ko lang ng illuminati trilogy so in a way parang dikit dikit lahat ang librong ito, isama pa yung libro ni Seagrave na Gold Warriors tsong may conspiracy may ibang tao o entity o Organization ang totoong nagpapatakbo ng pilipinas kung akala mo na people power ang nag-alis kay marcos tingnan natin mabuti kung papano ba talaga napapatalsik ang isang tyrant, dahil kung people power lang bakit nung 86 lang nangyari at hindi earlier esp nung simula ng FQS...

Catalyst ba talaga ang pagkamatay ni ninoy... the filipinos are worth dying for sabi sa 500 but what exactly did he died for, nasa kanya ba talaga ANG sagot? o symbolic lang parang kaya kristo? may napanood kasi akong interview na alam niyang mamatay siya, sigurado siya eh, tanggap na niya, parang si rizal nung last hours niya tanggap din niya ni hindi siya takot... actually parang ganun din diba catalyst din halos yung pagkamatay ni rizal nung 1896-98 revolution...

Hmmm... sige basa pa ko at isulat ko dito ang mga palagay ko... basta hindi pa tapos ang subject na to..... (may theme ng x-files sa background...)

- j.p. abad

Thursday, August 7, 2008

soaps

May isang payo lang ako sa inyo... wag na wag na wag ninyong sisimulan ang kahit na anong soap opera ok ulitin ko ha... wag na wag na wag ninyong sisimulan ang kahit na anong soap opera, man! sisirain lang nito ang buhay ninyo. para tong babae na maraming magandang pangako pero iiwan ka naman pag nagsisimula ka nang maniwala. para tong masarap na droga na akala mo nakakalimutan problema mo pero ang totoo eto pala mismo ang problema mo.

hay naku magkamali kasi ko nung july(o june di ko na matandaan) binuksan ko yung tv pero tinamad akong ilipat kaya pinanood ko na lang, ang palabas eh tungkol sa isang batang lalaki na pinapalo ng nanay niya, isang batang babae na mahirap na may ma-pride na lola at isang pang batang lalaki na ang ama ay meyor ng bayan nila at balak siyang ipadala sa esteyts para mag aral ng abogasya.

ayun august na... sina diether claudine at gabby na ang mga batang to, malaki na sila may kanya-kanya nang buhay pero nakakatawa universe nila dahil salasalabat ang mga buhay nila, ang liit talaga ng mundo. mayaman na ang batang mahirap, may sarili nang pamilya ang batang pinapalo at abogado na ang batang pumunta sa esteyts. patay na si bembol na asawa ni claudine na gustong kunin ni angelica ang yaman na ipinamana kay claudine dahil tingin niya siya ang may-ari na ayaw na nga talagang makita ni bembol si claudine pero namatay at hindi nabago ang testamento tapos ang mataray na si cherie pie na nanay ni diether na asawa na ni angelica na dating bf ni claudine na parang may feelings pa sila sa isat isa eh nakikisaw-saw tapos si gabby na lawyer ni claudine na lawyer din ni joel torre na tatay ni claudine na kalaguyo dati si cherri pie na baka anak niya ang babae (nakalimutan ko yung pangalan yung cute) na kasama sa bahay si pedro penduko na kapatid ni gabby na may gusto rin kay claudine na sinet-up pa ni susan roces para magtanan na kasama sa bahay si kat na tanging witness nung nakidnap si claudine at tinago sa ospital na sunog na ngayon dahil binili ni claudine hindi tuloy natuloy yung pag tatanan ni claudine at diether na ikinasal kay angelica na mayaman ang tatay na si bembol para masagip ang hacienda na asawa na ni claudine ngayon.

magulo? panonoorin ko pa ba? syempre. sisirain lang talaga ng soap opera ang buhay niyo. kaya payo lang wag kayo magsisimula ng kahit na anong soap opera, ok lang siguro panoorin sa gitna kasi wala nang ibig sabihin yun. pero yung simula shit man death trap yun...

Monday, August 4, 2008

A Cloverfield Review

I finally watched Cloverfield last night, i kinda missed it when it was shown in theaters, and this film deserve to be watched in theaters to feel the bigness or hugeness of the monster. I did liked the film esp i do like the giant monster genre almost comparable to the Host for entertainment value, the technique is of course not new, weve seen it before (blair witch, last broadcast...), even the genre itself has been explored/exploited enough and if not executed right will only be outright boring or hilarious at most.

I dont find Cloverfield boring though it has this War of The Worlds feel to it (after the initial destruction everyone is walking for the bridge), maybe it lacks the paranoia often attached to this kind of film but you know its still has surprises in it. the acting is not really bad, they looked rather "neat" most of the time (too neat even after all that dust and grime).

All in all its good for a monster film, some people in the internet find this film crappy or bad or boring and i dont know i mean its not that bad, its no Citizen Kane of course but come on. If you watched film with pre concieved notion that it will be bad then it will be bad shouldnt we all have to have an open mind or you know see the film on its own merit or something, because if there is one thing i know... its so damn hard to make a film so might as well give compliment to those people who has the balls to make one.

Wednesday, July 30, 2008

Good Evening Dave...

Finally napanood ko rin ang tingin ko Masterpiece ni Stanley Kubrick
2001: A Space Odyssey. Ano pa bang pwedeng sabihin sa film na hindi
pa nasasabi. Hindi siya eksaktong boring pero dull, dull as hell,
2/3rd ng film hindi ko pa rin alam o naiintindihan ang plot kung hindi
ko pa binasa sa wiki hindi ko malalaman talaga. Yung point na dapat
may chilling effect yung pagiging cold blooded ni HAL hindi ko naramdaman
at isa pa sobrang haba ng film na may more than 5 minutes pa ng
intermission na black screen lang na may trippy music. At hindi ko rin
makita ang Entertainment Value niya.

Pero easily ETO NA ANG GREATEST FILM EVER!!! Uulitin ko GREATEST FILM EVER.
Akala ko dati Citizen Kane dahil nag pioneer eto ng makabagong film
at directing concepts pero after ko napanood ang 2001 mas pioneering at
imaginative ito. Wala siyang entertainment value sige, pero hindi naman
siya ginawa para ma-entertain ka eh. Ginawa siya para mag-isip ka,
maglaro ang imagination mo sa napakaraming possibilities sa film na hindi
lang tungkol sa kung may buhay pa sa labas ng planeta natin, beyond dun
yung film na ito, symbolic at masyadong allegorical siya para ma-trap sa
iisang theme lang dahil rich sa thematic ideas ang film na to. Ano ba
talaga ang sini-symbolize ng MONOLITH, bakit nag juxtopose yung DAWN of Man
sa Space Travel, ano ba talaga o sino si HAL? Diba nakakapagod isipin lahat
yun pero yun yung mark ng isang great film eh. na HINDI isa lang ang interpretation
niya. Sabi nga ni Kubrick mismo malaya kang i-interpret ang philosopical
at allegotrical possibilities ng 2001.

Visually Stunning din siya. Mas maganda pa ang itsura niya sa STAR WARS (sorry
sa mga fans, opinion ko lang to). At yung fact na ginawa tong film prior sa
Lunar Landing says a lot!

Kaya kung may 2 hours and 38 minutes kayong pwedeng sayangin eh sayangin nyo
na lang sa film na ito dahil hindi masasayang ang oras niyo.

Friday, July 25, 2008

May Broadcast na ko!!!!

May broadcast na pala ko, internet radio sa pirateradionetwork.com o click nyo to
WebStream

kaso hindi lang ko sigurado kung stable tong link na to
kasi di ata ako static ip.

so punta na lang kayo sa pirateradionetwork.com
hanapin nyo na lang ko under sa ALTERNATIVE, SaIbangPlaneta(sa ibang planeta)
yung station ko o channel. bukas lang to kung kelan lang ako naka-online.
kaya try ko mag online lagi ok!

Salamat!!!