Wednesday, July 30, 2008

Good Evening Dave...

Finally napanood ko rin ang tingin ko Masterpiece ni Stanley Kubrick
2001: A Space Odyssey. Ano pa bang pwedeng sabihin sa film na hindi
pa nasasabi. Hindi siya eksaktong boring pero dull, dull as hell,
2/3rd ng film hindi ko pa rin alam o naiintindihan ang plot kung hindi
ko pa binasa sa wiki hindi ko malalaman talaga. Yung point na dapat
may chilling effect yung pagiging cold blooded ni HAL hindi ko naramdaman
at isa pa sobrang haba ng film na may more than 5 minutes pa ng
intermission na black screen lang na may trippy music. At hindi ko rin
makita ang Entertainment Value niya.

Pero easily ETO NA ANG GREATEST FILM EVER!!! Uulitin ko GREATEST FILM EVER.
Akala ko dati Citizen Kane dahil nag pioneer eto ng makabagong film
at directing concepts pero after ko napanood ang 2001 mas pioneering at
imaginative ito. Wala siyang entertainment value sige, pero hindi naman
siya ginawa para ma-entertain ka eh. Ginawa siya para mag-isip ka,
maglaro ang imagination mo sa napakaraming possibilities sa film na hindi
lang tungkol sa kung may buhay pa sa labas ng planeta natin, beyond dun
yung film na ito, symbolic at masyadong allegorical siya para ma-trap sa
iisang theme lang dahil rich sa thematic ideas ang film na to. Ano ba
talaga ang sini-symbolize ng MONOLITH, bakit nag juxtopose yung DAWN of Man
sa Space Travel, ano ba talaga o sino si HAL? Diba nakakapagod isipin lahat
yun pero yun yung mark ng isang great film eh. na HINDI isa lang ang interpretation
niya. Sabi nga ni Kubrick mismo malaya kang i-interpret ang philosopical
at allegotrical possibilities ng 2001.

Visually Stunning din siya. Mas maganda pa ang itsura niya sa STAR WARS (sorry
sa mga fans, opinion ko lang to). At yung fact na ginawa tong film prior sa
Lunar Landing says a lot!

Kaya kung may 2 hours and 38 minutes kayong pwedeng sayangin eh sayangin nyo
na lang sa film na ito dahil hindi masasayang ang oras niyo.

No comments: