Wednesday, July 30, 2008

Good Evening Dave...

Finally napanood ko rin ang tingin ko Masterpiece ni Stanley Kubrick
2001: A Space Odyssey. Ano pa bang pwedeng sabihin sa film na hindi
pa nasasabi. Hindi siya eksaktong boring pero dull, dull as hell,
2/3rd ng film hindi ko pa rin alam o naiintindihan ang plot kung hindi
ko pa binasa sa wiki hindi ko malalaman talaga. Yung point na dapat
may chilling effect yung pagiging cold blooded ni HAL hindi ko naramdaman
at isa pa sobrang haba ng film na may more than 5 minutes pa ng
intermission na black screen lang na may trippy music. At hindi ko rin
makita ang Entertainment Value niya.

Pero easily ETO NA ANG GREATEST FILM EVER!!! Uulitin ko GREATEST FILM EVER.
Akala ko dati Citizen Kane dahil nag pioneer eto ng makabagong film
at directing concepts pero after ko napanood ang 2001 mas pioneering at
imaginative ito. Wala siyang entertainment value sige, pero hindi naman
siya ginawa para ma-entertain ka eh. Ginawa siya para mag-isip ka,
maglaro ang imagination mo sa napakaraming possibilities sa film na hindi
lang tungkol sa kung may buhay pa sa labas ng planeta natin, beyond dun
yung film na ito, symbolic at masyadong allegorical siya para ma-trap sa
iisang theme lang dahil rich sa thematic ideas ang film na to. Ano ba
talaga ang sini-symbolize ng MONOLITH, bakit nag juxtopose yung DAWN of Man
sa Space Travel, ano ba talaga o sino si HAL? Diba nakakapagod isipin lahat
yun pero yun yung mark ng isang great film eh. na HINDI isa lang ang interpretation
niya. Sabi nga ni Kubrick mismo malaya kang i-interpret ang philosopical
at allegotrical possibilities ng 2001.

Visually Stunning din siya. Mas maganda pa ang itsura niya sa STAR WARS (sorry
sa mga fans, opinion ko lang to). At yung fact na ginawa tong film prior sa
Lunar Landing says a lot!

Kaya kung may 2 hours and 38 minutes kayong pwedeng sayangin eh sayangin nyo
na lang sa film na ito dahil hindi masasayang ang oras niyo.

Friday, July 25, 2008

May Broadcast na ko!!!!

May broadcast na pala ko, internet radio sa pirateradionetwork.com o click nyo to
WebStream

kaso hindi lang ko sigurado kung stable tong link na to
kasi di ata ako static ip.

so punta na lang kayo sa pirateradionetwork.com
hanapin nyo na lang ko under sa ALTERNATIVE, SaIbangPlaneta(sa ibang planeta)
yung station ko o channel. bukas lang to kung kelan lang ako naka-online.
kaya try ko mag online lagi ok!

Salamat!!!

Monday, July 21, 2008

This is the ZODIAC speaking...

Napanood ko yung ZODIAC nung isang gabi. Maganda siya pero hindi siya yung magandang ini-expect ko sa isang David Fincher film esp. yung SE7EN. Akala ko tungkol siya KILLER kung bakit siya PUMAPATAY. Tungkol pala siya sa mga grupo ng taong ang common denominator ay ang identity ni ZODIAC(cartoonist, news reporter, detective). Lalo na yung cartoonist na hangang sa bitter end (sa terms ng pelikula) sinubaybayan nya yung kaso. Umalis siya sa trabaho niya, iniwan siya ng asawa niya, pero balewala sa kanya kailangan niyang makita face-to-face na walang doubt na dapat sigurado siya na yun si ZODIAC.

So obviously cat-and-mouse ang plot, pero sa end hindi pa rin talaga nalaman kung sino si ZODIAC, although may isang suspect na laging umaangat at finally nga nakaharap ni Cartoonist face-to-face. Winiki ko yung film, open case pa pala siya na may isang suspect nga kaso di ma prove kasi walang ebidensya at patay na.

Ang malaking enigma sa film ay yung motive, hindi talaga ini-explain kung bakit pumapatay si ZODIAC. Serial killer ba siya o Thrill killer lang na pumapatay on impulse(actually akala ko nga tungkol siya kay Berkowitz-Son of Sam), serial killer kasi may psychological need na pumatay, kailangan lang nila parang kati o gutom kailangan ma-satiate, minsan ritualistic gusto nila i-recreate yung eksaktong circumstances na nag-lead sa kanila papunta sa direksyon na yun. Minsan twisted na sexual deviation na dun lang sila nakaka-express sexually... well marami pa talagang motivation para sa isang serial killer, pero hindi siya naungkat sa ZODIAC.

Pero kung iisipin mo yung motivation na wala kay ZODIAC e nasa Cartoonist, obsessive siyang masyado, ang laki ng cost (personal, psychological) na binayaran niya para finally malaman kung sino si ZODIAC to the point na estranged na siya at alienated sa mundo. Kailangan lang niyang malaman may NEED. So baka yung Cartoonist yung ka parallel ng ZODIAC na baka ganun din yung nararamdaman niya towards sa pagpatay, may threats siya pero hindi niya ginawa, kasi baka hinde niya gusto wala yung NEED. So tingin ko ganun, kay ZODIAC yung mismong ACT ng pagPATAY pero masasalamin sa Cartoonist kung bakit (motivation).

Monday, July 14, 2008

Salamat sa JASMS students

salamat nga pala sa mga estudyante ng JASMS
na bumasa ng mga tula ko, mga magagandang
salita ang binitawan niyo nakakataba
tuloy ng puso. sa mga nagtatanong kung
nagsusulat pa ako eh oo naman kaso hindi
na tula, mga short story at script muna
ang ginagawa ko nahihirapan pa kasi ko sa
tula eh, pero syempremagsusulat pa rin ako
pero ibang subject na.

dun sa mga nagsabing gusto nilang magsulat
eh good isulat nyo lang kung anong gusto
nyo maging obsrvant kayo sa paligid at
mga tao, paliparin niyo rin ang imagination
nyo at syempre palayain nyo yung maliit
na tao sa sarili nyo, palayain nyo
hangang sa lumaki.

yung mga nagtatanong naman kung papano
magsulat eh madali lang diba, magsulat
lang kayo basta ang importante galing sa puso
at totoo, tsaka mahalin niyo yung sinulat
niyo, wag kayong masyadong self critical.
tska siyempre magbasa rin mas maraming alam na
salita mas madaling magpahayag ng idea.

Eto nga pala may dalawang tulang pumatak
sa mail ko. gusto ko sila pareho. Yung sinta
paalam ok siya may pagka-lyrical kaya
madaling basahin tingin ko nga kanta to,
tapos pansinin nyo sunod-sunod sya diba,
nawala-bumalik-nawala-nagalit-natanggap.
galing.

yung you murdered me alive, magaling din medyo
may proficiency sa english, tapos parang kanta
rin siya na may chorus, ang tingin ko lang
(w/c is tingin ko lang ha) hindi siya masyadong
consistent kasi balak niya ata maging depressive
yung mood pero yung mga words at sentences na
ginamit niya ay may pagka-positive naman...
may hint siya ng longingness at maganda rin
yung pagkakagamitniya ng technique na
free verse astig.

hindi ko na pinansin yung spelling at grammatical
error kasi yun din yung problema ko lagi although
magandang practice na sinusunod yung mga language
rules para mas coherent yung kabuuan ng tula.
mas kita yung idea at thought o essence ganun.

so kay hatami at juilliard galing nyo pagbutihin
nyo pa at sulat lang ng sulat.

so salamat talaga sa inyong lahat na nagbasa at kung
gusto niyong magpadala ng tula eh ok lang padala niyo
lang publish natin dito para mabasa ng lahat.


Sinta, Paalam

Minsan ka nang nawalay
At gumuho ang aking buhay
Mundo ko'y nawalan ng kulay
Parang ibong walanag awang pinatay.

Ngunit hindi ako sumuko
Dahil puso ko'y nangako
Mga sumpang inukit sa pulso
Ay hindi kailanman mapapako.

At ako'y minahal mo ulit
Pag-asa'y muling nakamit
At ang ngiti sa aking pisngi
Ay patuloy hanggang langit.

Ngunit bakit ganoon.
Natulog lang ako.
Bat pag gising ko ganito.
Wla k na sa tabi ko.

Parang anunsyong laging biglaan.
Hindi ko nga inaasahan.
Na iyong mapagdedesisyunan.
Na habang buhay na akong iiiwan.

Martilo'y ndi para sa pako.
Mga pangarap na tuluyang sinuko.
Parang luhang ayaw tumulo
Pag-ibig mo'y kay bilis na naglaho.

Ano pa nga bang magagawa.
Sa mga binitawan mong salita.
Sinuntok sa puso kot ipinamukha
Na wala na kong magagawa.

Kahit ano pa man ang dahilan
Kung bat tuluyang kang lumisan
Kahit kamay moy subukang pigilan
Pilit nang tatalikuran

Sna nga mging masaya ka
Sa kanya'y maging maligaya
PAalam na Sinta

- Hatami Hatake.



You Murdered me Alive

You murdered me alive
As my soul flows like a wind
Moreover the wind whispers at back o
Of your head.

Every time I see the open door
Through the heart of loneliness
And every time I walked away
I want to see you’re red
Like a rose in the garden of heaven.

I want to feel your presence
Even though I walked in a thousand miles
At the garden of heaven
Just to see you one last time.

I want you to feel my essence
Even though I’m gone.
I’m lost in the circle of time to find you
To look at you
To say how much that I love you.

Ego my soul, to comeback to me
Ego my soul, to stay with you forever
Ego my soul to look at you and to love more than anything else

I went on a cliff to commit a suicide
To forget all of you
Maybe I rather die if I let you go
Nor to be with you
To love you for a million years


By juilliard arcangel

Thursday, July 10, 2008

init sobra

Haaayyyyy ang init sobra.... hmmm wala akong magawa, katatapos ko lang ng from hell kagabi. ibang klaseng libro sya kailangan malawak din ang alam mo sa history ng europe bago mo siya fully maapreciate (kaya ayun may part na parang masyadong dragging, bobo pa naman ako sa history ng ibang bansa) maski pagkakadrowing sa kanya hindi sing ayos ng watchmen o v pero sinadyang ganun para magmukha siyang tijuana bible, galing diba. ano siya tiningnan ni moore yung isa pang possible na scenario tungkol sa ripper killings. nakaka inspire tuloy dahil binabasa ko rin yung helter skelter. sarap din niyang gawing komiks na parang ganun, mas titingnan mo yung psyche ng killer o ni manson kesa sa kung anong sabi sa balita. although yung libro eh sinulat nung nag prosecute ka kanya kaya medyo bias ang opinion niya na kung i-describe nya si manson eh sobrang sira ulo. malamang diba pero yun nga eh may hidden motive pa rin eh kaya ang sarap gawan ng kwento... sige try ko minsan tapos post ko dito ok(siguro pinoy na alam mo na may pagka-manson).... jp abad.
Eto pala yung link nung site:

saibangplaneta.tripod.com

pilosopongtasyo.blogspot.com

Nandito na KO!!!


Oy nandito na ko. Sa wakas may blog na ulit ako. Eto na ang bagong bahay ng Tingnan ang Mundo sa Mata ko o Sa ibang Planeta. Siguro kasama na rin dito yung una kong blog na pilosopongtasyo.blogpot.com nakalimutan ko kasi yung password nun kaya di ko na ma-acess. Maglalagay din ko ng mga kanta dito na alam niyo naman sintunado at try ko rin update pag may bago sa buhay ko at sige na nga post ko na rin yung mga nagpadala ng tula sa akin nung time na may isang section ata sa JASMS ang nagbasa ng tula ko salamat sa inyo ok...